Bakit nga ba nagpapakatanga ang isang tao sa pagibig?
Para sakin walang taong tanga. Nagkataon lang na sobra mong minahal yung tao na halos lahat ng bagay gagawin mo. Mamahalin mo siya kahit ano pa siya. Sabi nila bulag ang pagibig. Hindi rin. Ang pag ibig nakakakita pero wala siyang pake sa kanyang nakikita dahil kung mahal niya talaga yung tao, kahit ano pa siya, tatanggapin at tatanggapin niya. Minsan nga lang may mga taong sobra. Sobra magmahal, sobra magmalasakit, sobra magalala, sobra sa lahat. Yung tipong kaya sa huli siya rin yung sobrang nasaktan, sobrang umiyak, at sobrang di maka get over. Eh wala naman kasing past tense ang love. Tinuruan tayong magmahal pero di tayo tinuruan kung pano tumigil. Bakit? Kasi ang isang tao kapag minahal mo tapos sinaktan ka, walang paki ang puso. Basta minsan mo ng nabigyan ng pagmamahal, habang buhay na yang magkakaroon ng pwesto sa puso mo. Kahit ba kasing liit lang ng langgam, pwesto parin yun sa puso mo.
Walang taong may matigas na puso. Lumalambot ito kapag may nakilala na siyang tao na para sakanya. Osige sabihin nating may mga taong manhid. Ung tipong nasa harap na nila, sinusubo na, di parin makita. Siguro kasi ung mga bagay na katulad ng pagibig, para sa mga taong katulad nila, para maramdaman nila kailangan may magpakita. Eh yun na nga may nagpapakita di naman nila nararamdaman. Alam mo kung bakit? Kasi ayaw nila. Oo masakit para dun sa taong nagpaparamdam pero ganun talaga eh. Meron namang mga manhid na pinag tiyagaan talaga siya ng sobra nung taong yun at sa tamang panahon naramdaman niya. Hindi dahil sa awa kaya niya naramdaman, kundi dahil nakita niya kung gano talaga siya kamahal nung tao. Na nagpakita talaga siya ng pagmamalasakit, ng pakialam. At unti unti sa nakikita niyang yun pati siya naapektuhan. Nagkakaroon na siya ng pakiramdam at the same time nagkakaroon na siya ng feelings para sa tao.
Isang bagay na natutunan ko sa mga taong nakapaligid sakin ay ung bagay na pagdating sa pagibig walang naghahabol. Kung sa tingin mo ikaw na lang lagi ung gumagawa ng effort, nagpaparamdam, nagpapakita ng malasakit, nagpapagod.. Diba iniisip natin ang tanga tanga natin? Hinde. Para kasi sakin ung feeling na napapakita ko sa tao na yun kung gano ko siya kamahal, okay na yun eh. Para ba atleast magkaroon siya ng idea kung ano ung nararamdaman ko. Mas mabuti ng napakita kesa tinago diba? Ayoko nung nagsisisi ka sa bagay na di mo pinagisipan muna o sa bagay na di mo ginawa kasi naduduwag ka. Ung ibang tao kasi kaya naiisip nila na parang naghahabol sila ay ung bagay na lagi silang nauuna sa lahat. Nauunang gumalaw. Kunwari gustong gusto mo siyang makausap kaya syempre ikaw mauuna magtext o kaya magchat ung ganun. Tas syempre maguusap kayo. Pero sa paguusap na yun kailangan ikaw ung gagawa ng paraan para magtuloy tuloy ung paguusap. Oo masakit, nakakainis pero hindi eh. Mas gusto mo bang siya dapat mauna kahit alam mong walang pagasa o ung ikaw ang mauuna pero sure na sure kang matagal kayo magkakausap? Syempre dun ka na sa ikaw gagalaw kesa maghihintay ka ng maghihintay diba.
Ang dami dami kong sinasabi isa lang naman talaga ang gusto kong iparating. Walang tanga o naghahabol sa pagibig. Nagkataon lang na gustong gusto mo ung tao kaya sobrang tiyaga mong ipakita sakanila kung gano mo sila kamahal. Masa mabuti ng naipakita kesa tinago. Malay mo may gusto din pala sayo nahihiya lang. Communication. Yun ang pinaka mainam na solusyon sa mga nararamdaman mo. Para malaman mo ang sagot kausapin mo. Hindi ung habang buhay mo na lang iisipin kung ano sana ung pwedeng nangyari.